Poem written by Oliver T. Ababa on August 1, 1993, 9:30 A.M., Sunday
Huwag sayangin ito,
Makabubuti ito sa iyo,
Kaya pangangalaga-an mo,
Panahon mo na ito.
Itong Panahon dapat gamitin,
Humingi siya ng pagtutulin,
Dapat lamang na hati-hatiin,
Ang panahon huwag paiyakin.
Gumawa ka habang may panahon pa.
Baka papalayo siya,
Mahalin at ibigin natin siya,
Hanggang tayo ay buhay.
Mahalaga sa atin ang panahon,
Sa bawat sitwasyon.
Gamitin sa umaga at maghapon.
Iimbakin at mag-iipon
Panahon isaayos ng wasto.
Huwag ipabatay sa biru-biro,
Dalhin mo kahit saan mang dako,
Upang ikaw ay di maglaho.
Panahon saan ka na?
Ako'y nagsisisi na,
Sa pagpakawalan ko sayo,
Patawarin mo na ako.