August 22, 1993
2:45 - 4:30 P.M.
Lumakad si Ondo ng biglang...
"Sino ba kayo? Anong kailangan n'yo sa akin?" huminto sa paglakad.
"Sumama ka lang, upang walang mangyari sa 'yo" , sabay hawak sa kamay ni Ondo.
Binira ng isang lalaki si Ondo.
Nais nitong pakawalan siya ngunit hindi nakinig ang lalaki.
"Bitiwan n'yo ako, maawa kayo sa akin", padabog, paiyak na salita ni Ondo.
Dinala s'ya ng dalawang lalaki.
Kinarga sa kanilang sasakyan.
Umiyak na lamang si Ondo habang nakaupo.
Mabilis ang takbo ng sasakyan at madali itong nakalampas sa baryo.
"Nasaan na ba ang batang ito? Kanina pa at hindi pa nakarating. Naglalaro kasama ang mga barkada n'ya siguro. Ay, naku ang batang ito talaga, oo."
Tiyuhin ni Ondo, nainis nang naghintay.
Pinabayaan na lamang niya ang bata. Kahit salubungin man lang ito ay hindi ginawa.