Thursday, November 18, 2010

Ang Panahon

Poem written by Oliver T. Ababa on August 1, 1993, 9:30 A.M., Sunday

Huwag sayangin ito,
Makabubuti ito sa iyo,
Kaya pangangalaga-an mo,
Panahon mo na ito.

Itong Panahon dapat gamitin,
Humingi siya ng pagtutulin,
Dapat lamang na hati-hatiin,
Ang panahon huwag paiyakin.

Gumawa ka habang may panahon pa.
Baka papalayo siya,
Mahalin at ibigin natin siya,
Hanggang tayo ay buhay.

Mahalaga sa atin ang panahon,
Sa bawat sitwasyon.
Gamitin sa umaga at maghapon.
Iimbakin at mag-iipon

Panahon isaayos ng wasto.
Huwag ipabatay sa biru-biro,
Dalhin mo kahit saan mang dako,
Upang ikaw ay di maglaho.

Panahon saan ka na?
Ako'y nagsisisi na,
Sa pagpakawalan ko sayo,
Patawarin mo na ako.

The Author's Adventure

Pauna:

Ako ay isa sa mga estudynate na nais maghatid sa inyo ng mga magagandang kwento. Isa rin ako sa nais magtangkilik sa ating sariling wika, kaya dapat ninyong mahalin ang sariling atin.

Ang kwento o tula ay kathang isip lamang ng manunulat kaya dapat ninyong bigyan ng katuturan ang aking nais iparating sa inyo.

Salamat po at mabuhay ang Pilipino!

Visayan Story

Ang Pilipinas ay isa sa mga mahirap na bansa sa Asya ngunit mayaman sa likas na yaman. Maraming magagandang tanawin. Mga tao sa ibang konteninte ay nangarap na makapagpunta rito sa atin dahil sa magandang tanawin at klima. Inapi nila ang ating bansa at inagaw ang lahat sa atin. May mga ilang bayani ang nais maging malaya ang ating bansa ngunit hindi ito natupad. Dumating ang mga amerikano at namamahala rito sa atin hanggang sa mga kamay na tayo ng mga hapon. Naging malaya ba ang ating bansa? Marami ang nawalan ng buhay sa nangyaring labanan hanggang tayo na lamang ang nag-aawayan.
Mabuti ba ito? Bakit nagkaganito ang ating bansa? Sino ang may kasalanan nito?