Hindi Natin Napansin ang kapaligiran,
Halos kalbo ana ang mga kagubatan.
Ito'y dahil sa ating mga kalokohan,
Na di nag-iisip na mayroong masaktan.
Gumawa tayo ng paraan upang ito'y lutasin,
Tamnan, alagaan at pagbubutihin,
Bigyang diin, protektahan at sanay ibigin
Para sa ikaliligaya ng mga anak natin.
Ngunit kung ang lahat na ito ay di matupad,
Siguro ko'y ang mga ramong ibon ay lilipad,
Lumayo sa dakong bundok at magpasimpalad,
Sa kasamaang iyon di kailangang maganap.
Gumising tayo at magsisikap,
Sa mga alitaptap na sila'y di na kumikislap,
Tungkol sa kalungkutan kaya ayaw ng lalanghap,
Nang mga pangyayaring mabilis papatak.
Humakbang tayo at magplano
Nang kabutihan na maaring sundin ko,
Subalit mag-ingat ka at huwag gugulo,
Baka masama ang epekto nito.
Magtulungan tayo at magtiyaga,
Magsisisi sa nagawang masama,
Ngunit sino ang sumisi sa aming nagawa?
Ang sagot: Ang mga bagong silang na kababata ko pa.
Reference: Visayan Story by Oliver T. Ababa, Pp. 1-2
Note: Respect the intellectual rights property
No comments:
New comments are not allowed.